1 patay sa Magnitude 5.9 na lindol sa Indonesia

1 patay sa Magnitude 5.9 na lindol sa Indonesia

October 2, 2022 @ 11:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa ang patay at marami ang naiulat na nasaktan sa nangyaring magnitude 5.9 na lindol sa Sumatra, Indonesia nitong Sabado, Oktubre 1.

Sa ulat ng US Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol 40 kilometro mula sa bayan ng Sibolga, North Sumatra Province at may lalim itong 13 kilometro.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng isang lalaki nang atakehin sa puso sa kasagsagan ng lindol.

Ayon naman sa regional disaster mitigation agency, tinatayang nasa 25 katao ang nasaktan dahil dito na dinala na sa iba’t ibang mga pagamutan.

Patuloy naman kumakalap ng impormasyon ang mga otoridad kung magkano ang halaga ng pinsala sa malakas na lindol na sa paunang ulat ay nagpatumba ng mga poste at telecommunication towers. RNT/JGC