1 patay sa Omicron variant – UK PM Jonhson

1 patay sa Omicron variant – UK PM Jonhson

December 14, 2021 @ 6:47 AM 10 months ago


LONDON, United Kingdom – Inanunsyo ni Prime Minister Boris Johnson na mayroon nang isang nasawing pasyente dahil sa Omicron COVID-19 variant.

Ang Britanya ay isa sa mga bansang lubhang nasapul ng COVID-19 pandemic sa buong mundo simula pa noong 2020.

Ang anunsyo ni PM Johnson ay kasabay rin ng kanyang pag-anunsyo ukol sa pinakaambisosyong plano ng bansa sa pagpigil ng pagkalat ng virus sa kanilang bansa.

Sa pagbisita niya sa isang vaccination center sa west London, sinabi ni Johnson na nasa 40% na ng hawaan sa British capital ang Omicron variant kung saan patuloy na tumataas ang hospital admission.

“Sadly, at least one patient has been confirmed to have died with Omicron,” he told reporters, a day after warning the country was facing a “tidal wave” of infection.

Dahil dito, sinabi iniatas ni Johnson na dapat mabakunahan na ng ikatlong doses ang lahat ng adult sa bansa sa loob lamang ng isang buwan.

Nauna nang dineklara ng World Health Organization na isang ‘variant of concern’ ang Omicron.

Sinabi rin ng WHO na mas mabilis na makahawa ang Omicron kaysa sa Delta variant pero posibleng mas mahina ito kumpara sa ibang variant.

Iginiit naman ng WHO na kinakailangan pa ng malalimang pag-aaral ukol sa nasabing epekto ng Omicron. RNT