1 reklamo ng illegal possession of firearms vs Teves, ibinasura ng DOJ

1 reklamo ng illegal possession of firearms vs Teves, ibinasura ng DOJ

March 18, 2023 @ 2:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang isang reklamo ng illegal possession of firearms at unlawful possession of explosives laban kay Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr, ayon sa tagapagsalita nitong Sabado.

Base sa ulat, sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya laban kay Teves, at hindi naaresto ang mambabatas nang salakayin ng mga pulis ang isa sa kanyang mga tahanan.

Gayundin, ang mga armas ay nasa kustodiya ng isang nagngangalang Roland Aguinsanda Pablio.”

Sa kabila nito, sinabi ng DOJ na nahaharap pa rin sa Teves sa pito pang kaso ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives, kasama ang kanyang mga anak.

Konektado ang mga raid maging ang kasong three counts of murder na inihain ng CIDG laban kay Teves sa umano’y pagiging mastermind nito sa ilang pagpatay noong 2019.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na umalis na si Teves sa United States at kasalukuyang nasa Asya. RNT/SA