1 sa 10 nanganganak sa Pinas, ‘adolescent’ mother – PSA

1 sa 10 nanganganak sa Pinas, ‘adolescent’ mother – PSA

December 10, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bagama’t bumababa na ang bilang ng mga batang ina na nagsisilang mula 2016, napag-alaman ng Philippines Statistics Authority (PSA) na isa sa 10 live births sa bansa ay mula sa adolescent mothers.

Binigyang-kahulugan ng PSA ang adolescent mothers sa mga kababaihang edad 10 hanggang 19.

“A decline of -22.7 percent in adolescent births was observed from 2016 to 2020 with 203,085 and 157,060 births, respectively. These births consistently made up about one-tenth of all live births in the country,” pahayag ng PSA nitong Huwebes.

Inihayag ng ahensya na karamihan sa mga ama ng mga isinilang ng adolescent mothers ay mga kalalakihan na mas matanda ng tatlo hanggang limang taon.

“Furthermore, fathers who are more than 10 years older than the adolescent mothers are responsible for about six to seven percent of births, every year, from 2016 to 2020. However, almost one in five adolescent births do not have information on the age of the father,” pahayag ng PSA.

Bukod dito, dumarami rin ang mga ama sa parehong age group ng mga batang ina mula 2016,  mula sa 18.6 porsyento ng taong iyon sa 23.8 porsyento nitong 2020, batay sa PSA.

Sinabi pa ng ahensya na 80 porsyento ng adolescents ang nanganak sa unang pagkakataon habang ang natitirang 15 hanggang 17 porsyento ay pangalawa na, at ang natitirang bahagi ay  ikatlo, o mas marami base sa PSA.

Nauna nang nagkomento ang Commission on Population and Development (Popcom) sa isang survey ng teenage pregnancies mula sa University of the Philippines Population Institute, na iniugnay sa COVID-19 pandemic ang pagbaba sa teenage pregnancies.

“As they gradually return to their normal activities, we should not let our guards down.  It should give us more resolve to strengthen and sustain our efforts in providing age-appropriate comprehensive sexuality education and information, as well as access to reproductive health services among adolescents, which we deem will sustain, or further accelerate, the decline in adolescent pregnancy percentages,” pahayag ni Popcom Officer in Charge-Executive Director Lolito R. Tacardon. RNT/SA