1 sa 2 sugatan na sundalo sa Basilan bombing patay na

1 sa 2 sugatan na sundalo sa Basilan bombing patay na

September 1, 2021 @ 5:50 PM 10 months ago


BASILAN – Pumanaw na ang isa sa dalawang sundalong nasugatan sa pagsabog nitong Martes (Agosto 31) sa isang checkpoint sa Lamitan City, Basilan.

Nadala pa sa Camp Navarro General Hospital si Corporal Cyrus P. Bunda ngunit idineklara ring dead on arrival base sa kumpirmasyon ni Major General Generoso Ponio, acting commander ng Western Mindanao Command.

Miyembro si Bunda ng 68th Infantry Battalion na nakabase sa Campo Uno, Lamitan City.

Matatandaang pinasabugan ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal ang checkpoint kung nasaan si Bunda at kasamahan nito.

“We lost a good soldier,” sinabi ni Brig. Gen. Domingo Gobway, commander of the Joint Task Force Basilan.

Dagdag pa ni Gobway, sampung taon na sa serbisyo si Bunda.

Sa kaugnay na balita, dinala na sa Zamboanga City Medical Center si Private Army Vember Basco, nasugatan naman sa naganap na pagsabog. RNT/JC