1 sa 7 sanggol, sinisilang ng underweight – global study

1 sa 7 sanggol, sinisilang ng underweight – global study

May 16, 2019 @ 1:43 PM 3 years ago


Paris – Mahigit sa 20 milyong sanggol nitong 2015 – isa sa pito – ang isinilang sa mundo na kulang sa timbang, mas mababa noong 2000 ngunit hindi pa rin sapat para maabot ang target at mapigilan kalakip nitong health consequence, ayon sa global assessment ng birth weight na inilathala ngayong Huwebes, ika-16 ng Mayo 2019.

Sa pag-aaral, sinuri ng mga researcher mula sa London School of Hygiene & Tropical Medicine, UNICEF at World Health Organization ang mga datos mula sa mga government database at isinigawang mga survey sa148 bansa sa pagitan ng 2000 at 2015.

Ang antas ng underweight ay naiiba sa bawat rehiyon at bawat bansa kung saan 91% ng low-weight babies ay isinisilang sa mababa at middle-income na bansa. Mahigit naman sa kalahati ng mga low-weight births ay naitala sa
sub-Saharan Africa at southern Asia.

Sa United States, 8% ng mga sanggo na isinilang noong 2015 ang mayroong mababang timbang kumapara sa 7.5% noong 2000.

Ang mga high-income na bansa sa kabuuan ang kinakitaan ng mas mababang progreso, mayroong pinagsamang
low birth weight rate na 7% na kinuha noong 2000 hanggang 2015, ayon sa pag-aaral.

“Weight is the single most important factor about you at your birth that predicts your future health,” sabi Professor Joy Lawn, director ng London School of Hygiene & Tropical Medicine’s Maternal, Adolescent, Reproductive & Child Health Center at senior author ng bagong ulat.

Ang mababang timbang sa pagsilang ay maaaring mangyari kung ang sanggol ay isinilang ng premature o isinilang ng full term ngunit mas maliit sa kaniyang edad dahil sa growth restriction sa sinapupunan, ayon kay study co-author Dr. Mercedes de Onis ng World Health Organization sa statement.

Ang timbang na mas mababa sa 2.5 kilos ng mga bagong silang ay isinasangkot sa mataas na antas ng neonatal mortality at sakiting kawatas paglaki: mahigit 80 percent ng mga sanggol na isinisilang sa buong mundo na tumitimbang ng 2.5 ang namamatay dahil sa mababang timbang.

Ang mga underweight namang sanggol na nakakaligtas ay mayroong mas mataas na tiyansang magkaroon ng problema sa kalusugan kabilang na ang diabetes and cardiovascular disease.

“National governments are doing too little to reduce low birth weight,” ani lead author Hannah Blencowe, isang professor sa London School of Hygiene & Tropical Medicine sa statement.

“To meet the global nutrition target of a 30 percent reduction by 2025 will require more than doubling the pace of progress.” /Remate News Team