1 sa 8 multi-purpose buildings pinasinayaan sa Navotas

1 sa 8 multi-purpose buildings pinasinayaan sa Navotas

May 3, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Congressman John Rey Tiangco at Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pagbabasbas at inagurasyon ng multi-purpose building sa Kapitbahayan, Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ang pasilidad ay isa sa walong 3-story buildings na naglaan ng pondo si Cong. Tiangco mula sa Department of Public Works and Highways.

“This building, and all other 3-story multi-purpose projects, features a wood-planked basketball court on the top floor, offices and meeting halls on the second floor, and parking spaces on the first floor,” ani Cong. Tiangco.

“We no longer have to search elsewhere for venues of various events or functions because our meeting halls and basketball court can accommodate them,” dagdag pa ng mambabatas.

Nakatakda namang matapos ngayong taon ang multi-purpose buildings sa Phase 1-A, Phase 1-B,  Phase 1-C sa  Brgy. NBBS Kaunlaran at Phase 2 Area 1 at Tumana sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan.

Sinimulan na din ang konstruksyon para sa  3-story buildings sa Brgy. San Rafael Village at NavotaAs Homes 1-Tanza.

Dumalo sa inagurasyon sina  Vice Mayor Clint Geronimo,  City Council, barangay officials at mga opisyal ng Kapitbahayan Homeowners Association. R.A Marquez