‘1% Spending Rule’ para sa ‘New Normal’ na gastusin, alamin!

‘1% Spending Rule’ para sa ‘New Normal’ na gastusin, alamin!

July 13, 2021 @ 8:56 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nagmula ang ideya ng ‘1% spending rule’ kay Glen James, isang host sa Australian finance podcast na pinamagatang “My Millennial Money“. Ito ay maituturing din na isang lifehack na makatutulong sa pagba-budget ng pera ngayong ‘new normal era’.

Ayon kay James, ang rule na ito ay nagkokontrol sa paggastos sa mga ‘non-essential’ na bagay nang hindi lumalampas sa isang porsyento (1%) ng taunang kita. 

Halimbawa, nais mong bumili ng relo na nagkakahalaga ng Php 600 at ang iyong taunang kita ay nasa Php 50,000 na ang 1% ay Php 500 lamang, kailangan mong maghintay ng 24 oras bago ito bilhin.

Ang 24 oras na paghihintay ay tinawag n’yang “cool-down period” , oras na kailangan mong ilaan sa pag-iisip ng mabuti kung karapat-dapat ba ang desisyon mong gumastos sa ‘non-essential’ na bilihin.

Ang 1% spending rule ay makatutulong upang makaiwas ang isang indibidwal na mag-overspending. Nagtuturo rin ito na ituon ang budget sa mas mahahalagang gastusin kada araw o kada buwan. 

Sa kabilang banda, nilinaw ni James na ang pagsunod sa rule na ito ay flexible. Maaaring magsagawa ng adjustment depende sa sitwasyong pinansyal ng isang indibidwal.

Ika pa niya, “You could change it to the 0.5% rule. Whatever the percentage, it should make sense based on your financial situation, needs, goals, and priorities.”

Ito ay isang praktikal na ideya lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan maraming tao ang nawalan ng trabaho at kasalukuyang naghahanap pa ng pagkakakitaan. 

Habang marami ang naeengganyong mamili ng mga luxurious item, ang 1% spending rule ay isang paalala kung paano mas magiging makabuluhan ang paggastos sa araw-araw.

Kaya kung nais mong makatipid at makaipon sa gitna ng ‘new normal’ set-up ng ekonomiya, ito ang lifehack na para sa’yo! –RNT/Ethel Mangao -trainee