1-strike policy vs drive schools na sangkot sa fixing ikakasa ng ARTA

1-strike policy vs drive schools na sangkot sa fixing ikakasa ng ARTA

May 23, 2022 @ 7:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mas pinahigpit na regulasyon at one-strike policy para sa mga driving schools at pribadong kompanya na tumutulong sa mga fixers sa kanilang illegal activities.

Ang mga seryre ng entrapment operations at imbestigasyon, isinagawa ng ARTA at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa Land Transportation Office (LTO) branches, nabunyag na karamihan sa mga fixing activities ay mayroong sabwatan ng mga epleyado ng LTO, driving schools, emission centers, at medical clinics.

Ang mga operasyon at paglansag laban sa mga fixers ay naging matagumpay matapos ang koordinasyon sa central offices ng LTO at Department of Transportation (DOTr).

sa kabilang dako, ipinanukala naman ni Secretary Jeremiah Belgica, Director General ng ARTA, ang suspensyon sa mga driving schools at private companies na may mga “substantiated complaints” o prohibited practices habang nasa ilalim ng imbestigasyon.

“Through this approach, private accredited companies are constrained to go through the process of determining an individual’s driving ability by implementing seminars, lectures, trainings, evaluations, exams, or emission testing. This ensures that those seeking licenses are aware of traffic laws and that vehicles are roadworthy,” ayon kay Belgica.

Ang rekumendasyon ay pormal na isinumite kay DOTr Secretary Arthur Tugade noong Mayo 19.

Kasama naman sa naging rekumendasyon ng ARTA ang “stringent investigation and scrutiny of driver’s license and vehicle registration process, including private entity accreditation; and verification of driving school certificates.”

“We suggest that LTO lay down measures that will determine the authenticity of certificates of completion of driving examinations offered by private accredited entities,” dagdag na pahayag ni Belgica.

Araw ng Martes, inaresto naman ang isang releasing officer na nakatalaga sa LTO Novaliches, Quezon City dahil sa pagbibigay ng illegal services sa mga aplikante ng student permits. Kris Jose