1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati

1 sugatan sa nasunog na warehouse sa Makati

February 11, 2023 @ 7:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sugatan ang isang trabahador makaraang tupukin ng apoy ang warehouse na pagawaan ng paleta at imbakan ng stationery papers sa Barangay Singkamas, Makati City, Biyernes ng hapon, Pebrero 10.

Ayon kay Makati City Bureau of Fire Protection (BFP) fire marshal Supt. Anthony Arroyo, dakong alas 4:25 ng hapon nang magsimulang lamunin ng apoy ang warehouse na gawa lamang sa kahoy o light materials.

Sa naganap na sunog ay nadamay din ang 13 sasakyan at apat na kabahayan na nasa loob ng compound na tinutuluyan ng mga trabahoador ang nasunog.

Isang trabahador na hindi napangalanan ang naging biktima sa sunog na nagtamo ng second degree burns sa kanyang katawan.

Idineklara ng Makati BFP ang fire out dakong alas 5:15 ng hapon.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman ang pinagsimulan at pinsala sa nangyaring sunog na tumupok sa warehouse. James I. Catapusan