1 tusta sa sunog; 4 sugatan sa tumagilid na firetruck

1 tusta sa sunog; 4 sugatan sa tumagilid na firetruck

August 15, 2022 @ 12:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isa ang patay nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Paco, Manila madaling araw ng Lunes

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Favie St, sa nasabing lugar

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at kung ilang bahay ang tinupok ng apoy gayundin ang mga pamilyang naapektuhan.

Samantala, apat naman ang sugatang bumbero nang tumagilid ang kanilang fire truck habang papunta sa Paco upang rumisponde sana sa sunog.

Ayon sa ulat, bumangga sa nakaparadang jeep saka saka tumagilid ang fire truck ng Manila Fire Department sa Pedro Gil.

Ligtas naman ang driver ng jeep na umano’y nakahinto  lamang sa isang gas station nang mabangga ng mga bumbero. Jocelyn Tabangcura-Domenden