1 week trial bago ipatupad ang ‘single rider ban’ sa EDSA, balak ng MMDA

1 week trial bago ipatupad ang ‘single rider ban’ sa EDSA, balak ng MMDA

August 9, 2018 @ 10:24 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binabalak magsagawa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggong trial para sa proposed ban na nagbabawal dumaan sa mga pribadong sasakyan na driver lamang ang sakay twing rush hour sa EDSA.

Sinabi rin ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang proposed ban ay isang short-term na solusyon para ibsan ang trapik sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga proyekto ng gobyerno.

“Subukan natin one week… Di naman tayo puwedeng mag-status quo na wala lang tayong gagawin habang lahat ay nagrereklamo. Ito pong ginagawa namin, short term lang naman po kasi ‘yung ‘Build Build Build’ ng ating gobyerno hinihintay natin,” ayon kay Garcia sa isang panayam ngayong Huwebes.

Ipinaliwang din ni Garcia na ang ban ay ipapatupad lamang sa EDSA at ang mga solo driver ay maari pa ring dumaan sa ibang highway para makarating sa kanilang destinasyon. Umaasa rin si Garcia na ang mga may-ari ng sasakyan ay makikipagtulungan sa MMDA kahit na kaliwa’t kanan ang natatanggap nitong pambabatikos.

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ang MMDA ng detalye kung kailang sisimula ang nasabing ban ngunit nagsabi itong gagawa na sila ng draft guidelines at magsasagawa ng dry run bago tuluyang ipatupad ang ban.

“Malalaman lang natin kung effective ‘to kung tayo pong lahat ay magpa-participate . Hindi naman po namin ipagpipilitan pag mali. May dry-runs po. Di naman po puwedeng isang sektor lang ang magsasakripisyo. Kailangan lahat parehas,” dagdag pa ni Garcia. Remate News Team