10%-12% ng Tagaytay hotels bukas pa para sa December bookings — local exec

10%-12% ng Tagaytay hotels bukas pa para sa December bookings — local exec

December 11, 2021 @ 3:35 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Tinatayang 10 hanggang 12% ng hotel accommodation sa Tagaytay ay available pa ngayongbuwan ng Disyembre, batay sa City Tourism.

“Sa ngayon sa petsa ng December, meron pa pong tinatayang 12% pa po. Nasa 88% pa ang nasa booking ng ating mga hotel accommodation, so meron pa pong mga 10% hanggang 12% na hotels dito,” ani Tagaytay City Tourism Officer Jarryd Bello sa Laging Handa public briefing.

Samantala, ang average naman ng bookings sa Pasko at Bagong Taon ay umabot na sa 98% hanggang 99% sa hotels.

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga turista kasabay ng pagluluwag sa protocol at alert level.

Habang patuloy naman ang paalala sa lahat na panatilihin ang pagsunod sa health protocols. RNT/FGDC