10.2M COVID vax naiturok sa mga Pinoy mula Nob. 29 hanggang Dis. 3- PDu30

10.2M COVID vax naiturok sa mga Pinoy mula Nob. 29 hanggang Dis. 3- PDu30

December 7, 2021 @ 9:12 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Ibinalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mahigit 10 milyong coronavirus disease (COVID-19) vaccine shots ang naiturok ng Pilipinas sa nagdaang nationwide vaccination noong nakaraang linggo.

Umasa ang mga awtoridad na makapagbabakuna ng siyam na milyong katao noong isagawa ang “Bayanihan, Bakunahan” immunization drive na orihinal na itinakda mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 at kalaunan ay pinalawig sa ilang lugar hanggang Disyembre 3. 

“Iyong bakuna, nakita naman ninyo, we were able to administer 10.2 million doses throughout the country from Nov. 29 to Dec. 3, which is a huge achievement in our fight against COVID-19,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Ang national daily vaccination average ay pumalo sa 829,000 noong nakaraang buwan.

Ang Omicron, kung saan inilarawan ng World Health Organization bilang “variant of concern”, ay hindi pa natutuklasan sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay nakikipaglaban sa Asia’s worst COVID-19 outbreaks kung saan nakapagtala naman ito ng 38.1 milyong nabakunahan mula sa 110 milyong populasyon nito.

“Average new daily infections have fallen to 500 to 600,” ayon sa Pangulo.

Ang pigurang ito ay 18,579 noong Setyembre dahilan para ikasa ang “wider economic reopening.”

“I’ve always invoked the intervention of God to pull us out of this misery,” ayon sa Pangulo sabay sabing, “Christmas na, I hope that everything will be for the good of everybody and I am very happy na bumababa na talaga, duma-dive na iyong [mga kaso].” 

“That’s a miracle because other countries are still railing from the effect, parang nagkaroon sila ng problema sa Omicron. Tayo, we are not hoping for the best, but we pray to God that it will not come to our shores. But if ever… we can cope up with it, just as we did with COVID-19,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose