Hazard pay sa disaster response personnel, isinulong ni Bong Go

January 27, 2023 @1:13 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Kinikilala ang kanilang mga sakripisyo at mahalagang papel sa panahon ng kalamidad, inihain ni Senator Christopher “Bong” Go sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng hazard pay sa disaster response personnel.
Binigyang-diin ni Sen. Go na ang pinakamaliit na manggagawa ng gobyerno ay dapat lamang mabigyan ng maayos na kompensasyon.
Aamyendahan ng Senate Bill No. 1709 na inihain ni Go noong Enero 23 ang mga probisyon ng “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”.
Sa ilalim nito, aatasan ang mga local government units na magbigay ng hazard pay sa mga tauhan ng kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) at Barangay Risk Reduction and Management Committees (BRRMCs), gayundin sa lahat ng accredited community disaster volunteers (ACDVs) sa panahon ng state of calamity na idedeklara ng Pangulo.
Dahil ang bansa ay nakaposisyon sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire”, isang lugar kung saan ang mga lindol at aktibidad ng bulkan ay mas madalas kaysa iba pang bahagi ng mundo, ikatlo ang Pilipinas sa pinaka-prone ng kalamidad, ayon sa World Risk Report na inilathala ng United Nations University Institute of Environment and Human Security (UNU-EHS).
Kaya naman, muling iginiit ni Go na palaging nasa panganib ang buhay ng mga disaster relief teams at volunteers.
“Ano mang sakuna…napakalaki ng papel na ginagampanan ng ating rescuers at volunteers sa mga panahon na ito dahil sila ang nagbubuwis ng buhay para ilagay sa kaligtasan ang kanilang mga kababayan,” idiniin ni Go.
“Marapat naman talagang mabigyan sila ng tamang kompensasyon. Ibigay ang nararapat sa kanila. All government personnel should be entitled to hazard pay, partikular ‘yung talagang mga delikadong trabaho tulad nito,” giit pa niya.
Sa panukala, lahat ng mga tauhan ng LDRRMO sa mga probinsya, lungsod, at munisipalidad at lahat ng kinikilalang community disaster volunteer, anuman ang kanilang katayuan sa pagtatrabaho, ay bibigyan ng hazard pay na P3,000 bawat buwan.
Matatandaan na isa si Go sa lumikha ng resolusyon sa Senado na nagbibigay-parangal sa kabayanihan ng limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na namatay habang nagliligtas ng buhay sa pananalasa ng Super Typhoon Karding.
Ang limang rescuer—sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurrecion, at Narciso Calayag Jr—ay namatay sa San Miguel, Bulacan matapos tangayin ng flash flood noong Setyembre ng nakaraang taon.
Alinsunod sa kanyang adbokasiya na gawing matatag ang bansa sa mga kalamidad, isinulong ni Go ang ilang legislative measures na naglalayong epektibong matugunan ang parehong natural at human-induced na mga sakuna, tulad ng SBN 188 o ang iminungkahing Disaster Resilience Act.
Muli ring iginiit ni Sen. Go ang kanyang apela na maisabatas ang SBN 193 na layong magtayo ng mga ligtas at malinis na evacuation center sa bawat lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa. RNT
Occular inspection sa itatayong Navotas Convention Center

January 27, 2023 @1:00 PM
Views: 14
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng occular inspection si Mayor John Rey Tiangco kasama ang mga kinatawan ng DPWH, Bureau of Fire Protection, at City Engineering Office sa itinatayong Navotas Convention Center.
Sa oras na matapos na ito, magkakaroon ang lungsod ng isang sentro na
maaring pagganapan ng mga events tulad ng conferences, sports tournaments, malalaking selebrasyon, at iba pa. Jojo Rabulan
Barangay chairman, itinumba sa tapat ng tindahan

January 27, 2023 @12:45 PM
Views: 20
LEBAK- Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election ang sunud-sunod na pamamaril-patay sa mga barangay chairman sa lalawigan ng Mindanao.
Sa barangay Basak, bayan ng Lebak, pinagbabaril-patay si PB Rogelio Talagtag Jr, 53, sa harap ng kanyang tindahan sa nasabing lugar.
Batay sa report ng Lebak Municipal Police Station, bandang 5:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa tapat ng tindahan ng biktima sa Purok Beverly Hills, ng naturang barangay.
Ayon kay Lebak Chief of Police Lieutenant Colonel Julius Malcontanto, nakatayo sa harap ng kanyang tindahan ang biktima nang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre.45 na baril at pinaputukan ito sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa Bajaj 100 type na motorsiklo na naghihintay sa kalsada ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico
Reservists planong kunin ni Dela Rosa sa mandatory ROTC

January 27, 2023 @12:38 PM
Views: 16
MANILA, Philippines – Ikinukunsidera ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang pagkuha ng reservists at pagpapataas sa quota ng military recruitment upang matugunan ang pangangailangan sa oras na maipatupad na ang proposed mandatory Reserve Officers Training Course (ROTC).
Sa panayam ng GMA News, nang tanungin si Dela Rosa kung ano ang naiisip nitong solusyon sa suliranin na ipinahayag ni Defense Undersecretary Franco Gacal na mangangailangan ang program ng nasa 9,000 hanggang 10,000 military personnel, ang tugon niya:
“Hindi naman lahat active ang kailangan natin diyan. Puwede naman yang gampanan ng mga reservists natin. If active military personnel are needed for the mandatory ROTC program, Dela Rosa said he is also considering increasing the annual recruitment quota of the Armed Forces of the Philippines (AFP).”
“Meron naman tayong annual recruitment na ginagawa sa ating AFP so dagdagan natin yung quota ng recruitment nila para ma-implement nila nang mabuti itong ROTC program,” dagdag pa niya.
Kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education nitong Miyerkules, Enero 25, sinabi ni Gacal na mayroong malaking pangangailangan ang kailangang tugunan sa oras na gawing mandatory ang ROTC sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sa kabila nito, nagpahayag naman ng kumpyansa si Dela Rosa na mapopondohan nila ang programa lalo pa’t isa ito sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.
Ang House Bill No. 6687 o ang National Citizens Service Training Program Act ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/JGC
Pagtulak ng ICC sa drug war probe kinwestyon ni Dela Rosa

January 27, 2023 @12:25 PM
Views: 18