10-anyos sinakmal, tinangay ng buwaya sa Palawan

10-anyos sinakmal, tinangay ng buwaya sa Palawan

August 30, 2022 @ 9:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang 10-anyos na lalaki matapos sakmalin at tangayin ng buwaya sa tabing ilog sa Rizal, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Antonio Cardejon III na kasalukuyan umanong naliligo sa ilog nang mangyari ang insidente.

Kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang sakmalin ng malaki at kulay itim na buwaya.

Hindi pa rin nahahanap sa ngayon ang biktima, ayon sa mga opisyal ng barangay Canipaan.

Tumulong na ang Municipal Disaster Risk-Reduction and Management Office sa paghahanap sa biktima. RNT