10-anyos, sugatan sa sunog sa Tondo

10-anyos, sugatan sa sunog sa Tondo

October 7, 2018 @ 11:50 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sugatan ang isang 10 taong gulang na batang lalaki sa naganap na sunog sa isang residential area kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-4:45 ng madaling araw sa bahay ng isang Luisito Carreon.

Inoobserbahan na sa Ospital ng Tondo ang biktima.

Sinasabing electrical wiring ang sanhi ng sunog na idineklarang fire out ganap na alas-5:42 ng umaga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)