10 araw bereavement leave na may bayad ikinasa sa Kamara

10 araw bereavement leave na may bayad ikinasa sa Kamara

September 5, 2022 @ 6:57 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Ikinasa nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre ang panukalang batas na nagsusulong upang mabigyan ng 10 araw na bereavement leave upang ang mga empleyado sa gobyerno at pribado ay makatanggap pa rin ng sweldo sa panahong ng pagluluksa at hindi pa makapasok sa trabaho.

Ayon kina Romualdez at Acidre ito ay upang magkaroon ng sapat na panahong makapagluksa ang mga namatayan ng mahal sa buhay sa loob ng 10 araw ng hindi isinasakripisyo ang sahod o sweldo.

“This bill seeks to grant employees, both in private and public sector, bereavement leave of ten days with full pay. It shall allow the employee to take a leave from work to grieve and recover from the loss without sacrificing his/her income.”

Nilinaw pa ng dalawang mambabatas na sa ngayon ay hindi kasama ang bereavement leave sa mga tinatamasang pagliban ng mga empleado na binabayaran ng kompanya o ng gobyerno.

“Currently, employees are entitled to the following statutory leaves: service incentive leave; maternity leave or paternity leave, whichever is applicable; parental leave for solo parents; special leave for women, and leave under the Violence Against Women Act. However, no mandatory leaves are granted to employees who have recently lost a family member,” banggit pa rin sa House Bill (HB) No. 2345.

Nakapaloob sa Section 3 ng panukalang “Bereavement Act of 2022” na ito ay leave o pagliban sa trabaho na may sweldo o sahod pa rin upang magkaroon ng panahong makapagluksa, makadalo sa libing ng mga namatay na malapit na kaanak gaya ng asawa, magulang, anak kapatid hanggang sa “third degree of consanguinity or affinity.”

Nakapaloob sa panukala ang pagpapataw ng multang P20,000 o pagkabilanggo ng mula 15 araw hanggang isang buwan sa sinumang lalabag dito.

“If the violator is a corporation, trust or firm, partnership, association, or any other entity, the penalty of imprisonment shall be imposed on the entity’s responsible officers, including but not limited to, the president, vice president, chief executive officer general manager, managing director, or partner directly responsible therefore.”

Ayon sa HB 2345 ang umiiral na benepisyo na ibinibigay sa ilalim ng kasalukuyang batas, kontrata o kasunduan at polisiya sa pagitan ng empleyado at employer ay hindi dapat mabawasan.

 

“Employees who will avail of the bereavement leave shall be assured of security of tenure. The bill stresses that the availment of the leave shall not be used as reason for misconduct, demotion, or termination in employment, or for any form of unsatisfactory performance.”

Binanggit pa nina Romualdez at Acidre ang nakasaad sa Section 18, Article 2 ng 1987 Philippine Constitution na pangunahing mandato ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga mangggagawa at itaguyod ang kapakanan ng mga ito.

“It affirms the duty of the State to provide full protection to and promote the rights of the laborers which includes their right to paid days off to improve their well-being and efficiency,” dagdag pa ng dalawang Tingog reps. Meliza Maluntag