10 araw na sanggol nakaligtas sa COVID-19

10 araw na sanggol nakaligtas sa COVID-19

April 2, 2021 @ 12:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Gumaling na sa coronavirus disease (COVID-19) ang pinakabatang tinamaan ng sakit sa bansa.

Ayon sa Mati Information Office, nakarekober na sa COVID-19 ang sampung araw na sanggol mula sa probinsya ng Davao Oriental.

Si Patient MC-518 ay nagpositibo sa sakit nitong nakaraang linggo kung saan tatlong araw palang ito mula ng ipanganak.

Ang ina ng sanggol ay nagpositibo rin sa sakit bago manganak.

Naka-quarantine ang ina ng sanggol nang manganak ito.

Parehas namang walang pinapakitang sintomas ang mag-ina.

Tinamaan din ng COVID-19 ang ama ng sanggol na nakarekober na nitong Marso 28.

Gumaling na rin sa sakit ang ina ng sanggol parehas na araw na gumaling ang sanggol. RNT/ELM


  •  
  •  
  •