10 araw ng isolation kailangan sa asymptomatic, mild COVID patients – DOH  

10 araw ng isolation kailangan sa asymptomatic, mild COVID patients – DOH  

January 1, 2022 @ 10:08 AM 8 months ago


Manila, Philippines — Iginiit na 10 araw pa rin ang isolation period sa COVID-19 patients na asymptomatic o may mild symptoms, ayon sa Department of Health (DOH).

Paliwanag ng DOH, kahit pa walang sintomas ng COVID ngunit positibo, kailangan pa ring mag-isolate ng 10 araw.

Ang naturang guideline ay itinakda para sa mga bakunado at hindi bakunado.

Habang ang isolation period para sa mga positibong pasyente pasyente na may severe at critical case ay 21 araw.

Sa kabilang banda, ang quarantine period ng mga manlalakbay at close contacts ng positibong indibidwal ay pitong araw para sa mga bakunado at 14 araw naman para sa mga hindi pa natuturukan.   RNT/FGDC