10 arestado sa drug den sa Tarlac

10 arestado sa drug den sa Tarlac

November 18, 2022 @ 3:01 PM 1 week ago


TARLAC CITY —Sampung katao ang nadakip ng mga awtoridad sa pinaigting na anti-drug at criminal operation sa isinagawang buy bust operation kabilang tulak ng illegal na droga at gun runner, iniulat kahapon, Nobyembre 17 sa probinsyang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Dennis Agustin, 40, hinihinalang tulak ng illegal na droga at nahuli rin anim pa nitong parokyano sa isang drug den sa Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Ayon sa pulisya, nagpanggap ang isa sa mga operatiba na bibili ng shabu kay shabu at positibong nakabili ito ng isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaan shabu kapalit ng P1,000.00 marked money.

Narekober rin kay Agustin ang 6 pang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaan shabu.

Dinala sa kustodiya ng Tarlac-PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nadakip rin ang tatlong hinihinalang gun runner sa Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Warly Bitog, acting Tarlac intelligence unit chief, ang mga nadakip na suspek na sina Lolito Pineda, Wilfredo Puno, at Aldrin Lare, at lahat ay residente sa nasabing bayan.

Sa isinagawang operasyon nagpanggap na bibili ng baril at nakabili sila ng 9mm Taurus PT pistol sa halagang P25,000.00.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang tatlong suspek.

Sinabi naman ni Tarlac provincial police director Colonel Erwin Sanque, na patuloy ang ginagawa nilang kampanya laban sa anti-illegal drugs at kriminalidad para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa naturang probinsya. Mary Anne Sapico