10 bagong Omicron case natukoy sa Pinas

10 bagong Omicron case natukoy sa Pinas

January 1, 2022 @ 8:45 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Natukoy ang 10 pang kaso ng COVID Omicron variant cases, kasama na ang tatlong local case.

Kasama sa tatlong local Omicron variant ang dalawa galing Bicol at isa galing sa National Capital Region.

Ang unang local case ay 42-anyos na lalaki galing NCR na nagpositibo noong Disyembre 3 at nakarekober na noong Disyembre 17.

Ikalawa rito ang 27-anyos na babae galing Bicol Region na nagpositibo sa COVID noong Disyembre 14.

Habang ang ikatlong local case ay 46-anyos na babae galing ding Bicol Region na nagpositibo noong Disyembre 15.

Ang lahat naman ay sinabing nakarekober na.

Samantala, nagbabala naman ang DOH sa publiko sa hindi pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) at testing at isolation o quarantine protocols.

“This holiday season, we continue to remind LGUs to conduct active case finding to identify cases and clusters,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“They may also implement granular lockdowns as needed. LGUs should also prepare isolation facilities for individuals who cannot do home quarantine or isolation.”

“Lastly, increase vaccination coverage among the high-risk groups such as senior citizens and those with underlying conditions to reduce hospitalization and deaths due to COVID-19,” dagdag pa nito. RNT/FGDC