Navotas City – Sampu na mga hinihinalang drug personalities ang naaresto ng mga tauhan Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na drug buy-bust operation Biyernes ng gabi July 27 sa Navotas City
Kinilala ni NPD director Chief Supt. Gregorio Lim ang mga suspek na sina Sigred Lungay, 48; Dianne Manalo, 23; Sonny Lambuson, 42; Darryl Osin, 42; Brigido Membrillos, 28 at si Robert Ocampo, 23.
Nadakip ang mga suspek matapos isagawa ng mga opratiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation sa loob ng Block 25, Lot 4 Phase 2 Area 4, Kaunlaran Village, Brgy. NBBS pasado alas-9:30 ng gabi laban kina Lungay at Manalo na pawang kilalang drug pusher sa kanilang lugar.
Dinakip ang mga suspek matapos na maibigay nina Lungay at Manalo ang hawak nilang pakete ng shabu sa pulis poseur-buyer kapalit ng P500 marked money, habang ang mga kasamahan ay tumayo naman lookout.
Nakumpiska ng mga awtoridad kay Lungay ang isang hand grenade at umabot sa 8 transparent plastic sachets ng hinhinalang shabu na may timbang na 5.3 gramo na may estimated market value halaga ng P42,000
Nauna rito pasado alas 8:00 ng gabi nagsanib ang pwersa ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Navotas Maritime Police kung saan naaresto ang 3 drug pushers sa loob ng Market 1 sa Navotas Fish Port, Brgy. North Bay Boulevard (NBBN) sa isinagawang buy bust operation.
Si Israel Penaredona, 43, Christopher Jamero, 29 at Rolando Fuenteblanca, 43, lahat mag residente ng Market 1 Brgy. NBB ang nadakip matapos ibigay ang hawak nitong isang pakete ng shabu nagkahalaga ng P500 sa police poseur-buyer.
Narekober sa tatlong suspek ang 5 plastic sachets ng shabu habang si Ma. Cristina Jamero, 21, ay tinangkang makialam sa operation ng mga otoridad laya ito ay inaresto at kinasuhan ng obstruction of justice. (Roger Panizal)