10 frat man na dawit sa hazing slay sa 12 anyos, arestado

10 frat man na dawit sa hazing slay sa 12 anyos, arestado

June 7, 2022 @ 11:53 AM 3 weeks ago


LAGUNA- Nasa 14 suspek na ang nahuli ng mga awtoridad sa pagkamatay ng grade 12 student matapos pagtulungan bugbugin ng 23 miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity Triskelion makaraang mahuli ang 10 sa mga ito Lunes sa bayan ng Kalayaan ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Police Major Reden Bie Valdez, acting police chief sa bisa ng warrants of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 28 Sta. Cruz, Laguna, nadakip ang 10 suspek kung saan nauna ng sumuko ang apat sa mga ito.

Batay sa report ng Kalayaan Municipal Police Station, dakong 6:45 PM nadakip ang dalawang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Pook Dos, ng naturang bayan.

Sinabi pa ni Valdez na sunod nilang nahuli ang tatlo pang suspek sa nasabing lugar at kinausap na rin nila ang pamilya ng limang iba pang suspek na isuko ang mga ito at pumayag naman ang pamilya na nagresulta sa pagkakadakip sa 10.

Matatandaan noong Marso 21, 2022 natagpuan ang bangkay ng biktimang si RR Rabutazo, 18-anyos sa ilog sa pag-aakalang nalunod ito.

Subalit lumabas sa pagsisiyasat na tadtad ng bugbog sa katawan at basag ang bungo ng biktima na naging sanhi ng kamatayan nito .

Sinubukan lamang sana ng biktima na sumali sa hazing ng nasabing fraternity group pero labis siyang pinahirapan.

Sinabi naman ng ama ni Rabutazo na 23 ang suspek at kasama na rito ang kanilang kaanak.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ang mga suspek. /Mary Anne Sapico