10 hepe ng pulisya sa Cagayan, binalasa

10 hepe ng pulisya sa Cagayan, binalasa

July 20, 2022 @ 11:15 AM 4 weeks ago


CAGAYAN VALLEY-Sampung (10) hepe ng municipal police station sa Cagayan ang naapektuhan sa ipinatupad na rigodon o pagbalasa epektibo ngayon araw.

Lumabas ang Special Order sa mga bagong talagang COP sa mga bayan ng Abulug, Alcala, Camalaniugan, Enrile, Gattaran, Gonzaga Lasam, Rizal, Sta. Praxedes at Sta. Teresita.

Itinalaga bilang OIC Chief of Police ng Abulug si PCapt. Julius Pamor Jr. PMaj.George Maribbay sa Alcala, PMaj. Reymund Asistores sa Camalaniugan, PMaj. Ignacio Dinulong Jr. sa Gonzaga, PMaj. Efren Tangonan sa Lasam, PMaj. Ronald Balod sa Gattaran, Major Magno Catubag sa Rizal, PLt. John Sarmiento sa Sta. Praxedes, PMaj. Rufo Pagulayan sa bayan ng Enrile at PMaj. Joeffrey Retreta sa Sta. Teresita.

Samantala, nakapending umano ang pagpapalit PCapt. Tristan John -Zambale, hepe ng Aparri Police Station.

Si PMaj. Garry Macadangdang na dating hepe ng Gonzaga ay nakatada umano mag-schooling habang si PCapt. Ranolfo Gabatin na dating COP ng Sta. Teresita ay itinalaga sa R1 o Regional Personnel and Management Records Section.

Hinaing ng ilan mga napalitan kahit gaano kadidikasyon sa pagseserbisyo at maraming accomplishment kapag hindi ka tauhan ng nakakataas na opisyal ay ano man oras ay pwede kang palitan. Rey Velasco