10 isolation facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Cavite, binuksan na

10 isolation facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Cavite, binuksan na

June 5, 2020 @ 2:05 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binuksan na rin para sa mga COVID-19 patient ang 10 container vans na ginawang isolation facilities na itinurn-over ng lokal na pamahalaan ng Bacoor sa Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) .

Ang nasabing pasilidad ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo, ay gagamitin para sa isolation at treatment ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa komunidad.

Pangangasiwaan ang pasilidad ng Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) kung saan ito permanenteng ilalagay.

Ayon kay Janairo, ito ay dahil na rin sa dami ng mga tinatamaan ng virus na kailangang gumawa ng paraan upang sila ay magkaroon ng mapaglalagyan na maayos, malinis at ligtas.

Nagpasalamat naman ito sa lokal na pamahalaan ng Bacoor at kay Mayor Lani Mercado Bautista na siyang nanguna upang maisakatuparan ang proyektong ito at mabigyan ng solusyon at madagdagan ang mga isolation facilities sa Cavite.

“All suspects, probable and confirmed COVID-19 cases will be confined here and will serve not only the community of Bacoor but also of neighboring municipalities of the province. This is also in preparation for the possibility of a surge in COVID-19 cases,” ayon kay Janairo.

Bawat container van ay kinonvert bilang airconditioned modular temporary shelter sa pakikipagtulongan ng city government, Future Home Co., Ltd., Almextech Inc., and Jesus V. Del Rosario Foundation Inc.

Ang mga pasyente na symptomatic at mild ay ia-admit sa nasabing pasilidad.

Dalawang gusali din ng STRH na may 30-bed capacity ang binuksan din at pinasinayaan para magamit ng mga pasyente ng COVID-19.

Kahapon ay nakapagtala ang CALABARZON ng kabuuang 1,276 kaso kung saan 107 ang nasawi at 398 ang mga nakarekober. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •