10 kaanak na patay sa sunog sa Munti kauuwi lang galing simbang gabi

10 kaanak na patay sa sunog sa Munti kauuwi lang galing simbang gabi

December 19, 2022 @ 10:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kauuwi lang mula Simbang Gabi ang 10 magkakaanak na nasawi sa sunog na sumiklab sa Barangay Putatan, Muntinlupa.

Dagdag pa ni Muntinlupa City Fire Superintendent Eugene Briones na naghahanda pa ang mga ito ng kanilang almusal.

Kinilala niya ang mga nasawi na mag-inang sina Claire Ladia, 65, at Virgilio Ladia, 68, at ang mga pamilya ng kanilang dalawang anak na kinabibilangan nina Mark Gil (39), Cherry (19), Jerome (19), Leandro Jose (15), Emmanuel (12), Cherise Angela (5 buwan), Ana (33), at Amatheus (16).

Sinubukan pa umano ng ilang miyembro ng pamilya na lumabas ng kanilang bahay pero hindi na nagtagumpay at lumalabas na nasawi ang mga ito sa asphyxia.

Matatandaan na ang sunog ay sumiklab alas-8:56 ng umaga, umabot ito sa unang alarma alas-9:02, nakontrol alas-9:25, at idineklara nang fire out alas-10:25 ng umaga. Tinatayang nasa P500,000 ang halaga ng pinsala.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog, at sinusubukang i-salvage ang mga recording ng CCTV. RNT