10 katao kinilala ng DENR para sa community initiatives on climate and disaster resiliency
July 12, 2021 @ 9:52 AM
1 year ago
Views:
201
Frenchlyn Del Corro2021-07-12T09:52:42+08:00
Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng kanilang Gender and Development Office and Climate Change Service ang tatlong nanalo ngayong taon para sa “Mga Kwentong KLIMA-likasan Tungo sa Katatagan: A Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards sa ginanap na virtual ceremony noong Hulyo 2.
Pitong kalahok din ang nabigyan ng special citation para sa mga kategoryang Youth Empowerment, Gender Empowerment, Originality, Sustainability Initiatives, Community Participation, Ecological Waste Management, at Disaster Risk Reduction.
Sa press release ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, ang 2021 Resiliency Awards ay ang pagbibigay ng pagkilala sa mga Filipino “movers and workers” na gumagawa ng pagbabago para mapalakas ang climate and disaster resiliency.
“We recognize all the winners as our environmental heroes. They, who tirelessly work to protect our environment and natural resources deserve honor and acknowledgment,” sabi ni Cimatu.
“No work and no project to save our planet are ever too small or too big because everyone can make a difference and can provide a solution to climate change – individuals, organizations, communities, and local governments,” pagdidiin pa nito.
Si Annadine Marzinares ng local government unit (LGU) ng Botolan, Zambales ang nakasungkit ng first place para sa kanyang entry na “Women Leadership, Trailblazers of Environmental Sustainability,” na nagpapakita ng mga programa at proyekto ng Botolan municipal government upang magkaroon ng environmental sustainability sa kanilang munisipalidad.
Kabilang na dito ang fabrication at installation ng artificial reef na may coral transplantation, mangrove and forest reforestation, at solid waste management.
Nakuha naman ang second place ni Reynaldo Gonzales of Office of the City Environment and Natural Resources sa Zamboanga City para sa kanyang “Greenhouse Gas Emission Reduction (GHG): Zamboanga City Initiatives for Climate Change Mitigation.”
Inilalarawan sa entry na ito na ang Zamboanga bilang isa sa model cities ay isinama ang reduction ng greenhouse gas emission bilang bahagi ng kanilang Local Climate Change Action Plan o LCCAP.
Si Maria Clarita Limbaro ng local government ng Bayabas, Surigao del Sur ang nagkamit ng third place para sa kanyang entry na “Sagip-Wakatan Program: Kwentong KLIMA-likasan ng Bayabas, Surigao del Sur.”
Ang Sagip-Wakatan program ay isang annual mangrove reforestation, replanting, at coastal cleanup initiative ng municipality ng Bayabas na layuning mapanatili at maisaayos ang mangrove cover density upang makatulong na maprotektahan ang komunidad laban sa mapaminsalang epekto ng storm surges, tidal waves, tsunami, at soil erosion.
Nagbigay din ng special citation mula sa pitong kalahok sa ginanap na virtual ceremony.
Youth Empowerment — Carvel Acabal ng National Anti-Poverty Commission’s Children Basic Sector and Kalambulan Youth Organization (KAYO) in Zamboanga del Sur para sa “KAYO: Extraordinary Youths in Extraordinary Times.”
Gender Empowerment — Nyla Cordero ng Kalayaan Organic Practitioners Association in Laguna (KOPA) para sa “Nyla Cordero’s Story: Empowering Women on Climate and Disaster Resiliency in the Community.”
Originality — Adela Jamelo of Panatao Plastic Waste Recycling Association sa Surigao del Norte para sa “From Waste to Wealth Project.”
Sustainability Initiatives — Danielle Ann Ravalo ng Graymont (Philippines) Inc. in Las Piñas City para sa “Juan Earth: Efforts in saving the only thing we all have in common.”
Community Participation — Auria Primaverde Gonzales ng Metropolitan Naga Water District (MNWD) sa Camarines Sur para sa “MNWD Integrated Watershed Management Program: The Beginning of a Promising Story.”
Ecological Waste Management — Ian Chester Solver ng Parish Youth Ministry-Basud, Youth ng Poblacion Uno-Basud, Camarines Norte para sa “Binhi ng Pag-asa (Seed of Hope).”
Disaster Risk Reduction — Zia Sagoso mula sa General Santos City para sa kanyang lahok na “Green Initiatives: A Better Life and Environment.”
Ang mga nanalo ay makatatanggap ng P50,000, P40,000 at P30,000 para sa first, second at third prizes, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, makatatanggap naman ng P15,000 bawat isa ang ang mga special citation awardees.
Binati naman ni DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-Teh ang mga nanalo para sa kanilang kontribusyon na sinabi pa nitong “nothing less than a mark of passion, dedication, commitment, and love for our campaigns and advocacies for the environment and our peoples.”
Nakatanggap ang DENR ng halos 100 entry mula sa iba’t-ibang sulok ng bansa para sa “Mga Kwentong KLIMA-likasan Tungo sa Katatagan: A Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards.” (Santi Celario)
August 11, 2022 @7:40 PM
Views:
18
Manila, Philippines – In the process of moving on na si Tom Rodriguez matapos ang kinahinatnan ng pagsasama nila ni Carla Abellana.
Proof that the actor has started to pick up the pieces together ay ang kanyang pagpaparamdam sa social media through Instagram.
Nasa TikTok ang aniya’y pangangahas niyang tumugtog ng piano.
Post ng aktor mula sa bahay ng kanyang pamilya sa Arizona USA: “Music has got to be one of the best and free ways that I’ve found to self-soothe.”
Aminadong hindi much of a piano player si Tom pero naitawid niya ang awitin ni John Mayer.
Sa exclusive interview ng PEP kay Tom, hindi naman daw nakatengga roon ang aktor.
Sa katunayan, may ilang shows si Ai Ai de las Alas sa Amerika na kasama siya.
Patunay na abala si Tom, ayon na rin sa kanyang manager na si Popoy Caritativo na nakapanayam ng PEP.
‘Yun nga lang, hindi pa raw handang bumalik si Tom sa bansa.
Tiyak daw kasing pagpipiyestahan ang isyu sa kanila ni Carla.
At the moment, waiting lang daw si Tom ng tawag mula sa GMA for a possible TV assignment.
Kung kursunada raw niya itong gawin ay may tsansa siyang umuwi.
Matatandaang mismong ang pamunuan ng GMA ang nag-advise sa aktor na magpalamig muna until the issue simmers down.
Samantala, ayon naman kay Carla when interviewed at the recent GMA Thanksgiving Gala ay nakatutok siya sa pagpapagawa ng kanyang bahay.
Well, all to herself. Ronnie Carrasco III
August 11, 2022 @7:30 PM
Views:
14
Manila, Philippines – Nagsilbing relief si KC Concepcion sa lugmok na kalagayan ng inang si Sharon Cuneta dahil sa kanilang muling pagsasama sa Amerika.
Post ni Sharon nitong August 9 sa kanyang social media account, “A little happy during days of grieving.”
Siyempre, walang ibang tinutukoy si Sharon kundi ang pighating dulot ng pagpanaw ng malapit niyang kaibigan na si Cherie Gil.
Cherie succumbed to a rare type of endometrial cancer nitong August 5.
Si Sharon ang isa sa mga huling nakasama ni Cherie on her sickbed hours before the latter’s death.
Kaya ganoon na lang ang saya ni Sharon when reunited with her daughter.
May sampung litrato ang ipinost ng Megastar with KC.
Election season pa noong huling magkasama ang mag-ina pero nagkaroon sila ng komunikasyon via Facetime nitong June.
Samantala, ikinalulungkot naman ni KC kapag may nababalitaan siyang iringan o ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng ina at anak, not necessarily referring to her case.
Hindi pa malinaw kung kailan ang uwi ni Sharon sa bansa. Ronnie Carrasco III
August 11, 2022 @7:20 PM
Views:
15
Manila, Philippines – Naging magkakuntsaba si Francine Diaz at ang kontrobersyal na aktres na si Giselle Sanchez para i-prank ang Beks Battalion.
Sa isang dressing room, nagkasama ang Kapamilya actress at ang mga miyembro ng grupo na sina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez.
Habang inaayusan, nagparinig na si Francine na sobra na raw siyang napapagod sa kanyang ginagawa.
Humirit din ito at nagtaray na tila nasisikipan siya dahil may ka-share siya sa kanyang dressing room.
Hindi naman nagpahalata subalit nayabangan sa kanyang pag-a-attitude si Chad.
Ganoon din ang naging impresyon sa kanya nina MC at Lassy.
Nagmaldita rin ang aktres at sinabing nagugutom na siya.
Nagreklamo pa ito sa pagkaing isisilbi sa kanya dahil parehong putahe raw ang natikman na niya kaya inutusan nito ang kanyang dyulalay na ibili siya ng ibang pagkain.
Dito na umarko-arko ang mga kilay ng Beks Battalion dahil sa hindi nila akalaing sa kabila ng pagkakaroon ng sweet image ay maldita umano ito.
Sa huli, doon lang na-reveal na prank lang pala ang ipinakitang pagtataray ni Francine nang humingi ito ng paumanhin sa tatlong komedyante.
Napabilib naman ang Beks Battalion sa akting-aktongan ni Francine. Archie Liao
August 11, 2022 @7:10 PM
Views:
20
SEOUL, South Korea – Nagpositibo sa COVID-19 ang sikat na Korean singer na si BoA.
Ito ang kinumpirma mismo ng aktres kung saan sa kasalukuyan ay nagpapagaling ito at nag self-quarantine matapos na tamaan ng nakahahawang sakit.
Sa kabila nito, hindi naman inaasahang maaapektuhan ang kanyang upcoming appearance sa dance survival program ng Mnet na “Street Man Fighter” na magsisimula sa Agosto 23.
Maliban sa matagal pa naman ang naturang schedule, sapat rin umano ang footage ni BoA para rito. RNT/JGC
August 11, 2022 @7:00 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes ang suporta para sa rekomendasyon na pagpapatupad ng signal jamming sa mga preso sa gitna ng umano’y drug operations sa loob ng kanilang pasilidad.
Sa public briefing, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na mapipigilan ng signal jamming ang komunikasyon ng persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga contact sa labas.
“That’s a welcome development as far as the BJMP is concerned,” aniya.
“Importante yan kasi kung yan din yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin yung possible communications with the PDLs and possibly yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Solda na umaasa sila na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang panukala dahil kinakailangan ng proyekto ng pondo.
“Ang second step nito, of course, ‘yung funding requirements niyan so we do hope sana mabigyan po ng priority ito ng national government,” sabi ni Solda.
Inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules ang paggamit ng signal jammers upang putulin ang komunikasyon ng drug lords na umano’y nagsasagawa ng operasyon sa mga kulungan.
Samantala, inihayag ni Solda na 262 sa 477 BJMP jails sa buong bansa ang idineklarang drug-free habang 40 ang idineklarang drug-cleared.
“Drug cleared jails are those that were previously classified as drug-affected jail but after being subjected to drug-clearing operations, it was declared drug-free,” paliwanag niya.
“A drug free jail is a facility that has no drug personalities, no drug users, and no illegal drugs after conduct of search and seizure operations sa jail for three consecutive months ng PDEA,” patuloy ni Solda.
Sinabi rin ni Abalos na nais niyang magsagawa ng testing para sa posibleng nakahahawang mga sakit bago ikulong ang mga preso dahil sa mabilis n pagkalat ng sakit sa congested areas.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang siyam na active COVID-19 cases sa PDLs sa BJMP jails, base kay Solda.
Sinabi rin ni Solda na 334 sa 477 BJMP jails ang masikip. Aniya, sinisikap ng BJMP na tugunan ang congestion sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong gusali at pagsasaayos ng mga pasilidad.
Nagbibigay din ang BJMP ng legal support services sa mga preso upang pabilisin ang kanilang mga kaso at isinusulong ang disiplina sa mga PDL upang magkaroon sila ng mas maraming good conduct time allowance (GCTA) para sa mabilis na pagpapalaya. RNT/SA