10 katao sa cruise ship sapul ng COVID

10 katao sa cruise ship sapul ng COVID

December 6, 2021 @ 7:12 AM 10 months ago


UNITED STATES – Nagpositibo sa COVID-19 ang aabot sa sampung mga crew members at pasahero ng isang Norwegian Cruise Line ship na pabalik ng New Orleans mula sa byahe nitong Linggo, Disyembre 5.

Ito ay ayon sa US Health authority kung saan lulan umano ng naturang cruise ship ang nasa 3,200 mga indibidwal.

“The Norwegian Breakaway departed from New Orleans on Nov. 28 and stopped in Belize, Honduras and Mexico on its voyage,” sinabi ng Louisiana Department of Health nitong Sabado.

Bawat isa sa mga pasahero at crew ng naturang cruise ship ay naisalang naman umano sa COVID-19 testing bago pa man ito bumaba ng barko.

“Those who test positive for COVID-19 will either (1) travel by personal vehicle directly to their personal residence or (2) self-isolate according to current (US Centers for Disease Control) guidelines in accommodations provided by NCL,” dagdag pa ng kagawaran.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging isyu rin ang mga pasahero at crew members ng mga cruise ship na tinamaan ng COVID-19. RNT