10 lugar positibo sa red tide

10 lugar positibo sa red tide

January 11, 2023 @ 6:25 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sampong coastal areas sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o nakalalasong red tide.

Ito ang iniulat ng Bureau of of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa shellfish bulletin na may petsang Enero 10, kung saan sinabi na hindi ligtas kainin ang mga lamang dagat sa mga sumusunod na lugar sa bansa:

– coastal waters ng Milagros, Masbate;
– coastal waters ng Panay, Capiz;
– coastal waters ng President Roxas, Capiz;
– coastal waters ng Pilar, Capiz;
– coastal waters ng Dauis, Bohol;
– coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol;
– Irong-Irong Bay sa Samar;
– San Pedro Bay sa Samar;
– Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; at
– Lianga Bay sa Surigao del Sur

Ayon naman sa BFAR, ang ibang mga seafoods maliban sa shellfish ay ligtas kainin.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly; and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa ahensya. RNT/JGC