10 lumang tanke, nilubog sa karagatan para gawing atraksiyon

10 lumang tanke, nilubog sa karagatan para gawing atraksiyon

July 29, 2018 @ 1:59 PM 5 years ago


 

Sidon, Lebanon – Nilubog ng Lebanese environmentalists sa ilalim ng Mediterranean Sea ang 10 lumang tanke at iba pang armored vehicle sa layuning gawin itong atraksyon para sa mga divers at gawing bagong tahanan ng mga lamang dagat.

Gamit ang isang crane, 3 kilometro mula sa baybayin ng Sidon, pinuwesto muna ang mga sasakyan sa kalalagyan nito bago ito tuluyang inilubog sa ilalim ng karagatan isa-isa.

Ang “underwater park” ay binuo sa pangunguna ng local group, kaibigan ng baybayin ng Sidon, kung saan ibinahagi ng Lebanese army ang ilan sa kanilang lumang sasakyan para sa proyekto.

“This will be a paradise for divers and a place where we can develop underwater life,” sabi ni NGO representative Kamel Kozbar, umaasang kalaunan ay babalutin ng seaweed ang inilubog na mga sasakyan.

Pagmamay-ari ng Lebanon ang 200 km baybayin ng Mediterranean ngunit sa nakalipas na mga taon hanggang sa kasalukuyan, hindi ito nakaligtas sa polusyong dulot ng basura.

Sa Sidon, mayroong gabundok na basura ang makikita malapit sa baybayin kahit na mayroon ditong waste management facility.

Umani rin ng pulitikal na pambabatikos ang nasabing proyekto dahil “the tanks have been placed with their turrets facing towards Lebanon’s southern foe Israel “out of solidarity for the Palestinian people”,  sabi ni Kozbar. Remate News Team