10% ng mga lalaki, apektado ng sex addiction

10% ng mga lalaki, apektado ng sex addiction

November 11, 2018 @ 5:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pagkairita at kahirapan sa pagkontrol ng kalibugan ang ilan sa mga pangunahing indikasyon ng pagkakaroon ng adiksyon sa sex.

Bagama’t kontrobersyal ang usapin kung mayroon nga ba talagang konsepto ng sex addiction, inihayag ni Janna Dickenson ng University of Minnesota at kaniyang mga kasamahan sa JAMA Network Open, Journal of the American Medical Association, na ang bilang ng nagkakaroon nito ay tumataas.

“From Tiger Woods to Harvey Weinstein, news articles have conjectured that ‘sex addiction’ is a growing and heretofore unrecognized ‘epidemic,’ while the scientific community debates whether such a problem even exists,” ayon sa kanila.

Hindi naman mahirap tukuyin ang kahulugan ng pagkakaron ng sex addiction dahil ayon sa kanila, “failing to control one’s sexual feelings and behaviors in a way that causes substantial distress and/or impairment in functioning.”

At ang pinakaepekto nito sa taong nakararanas ng adiksyon ay kung ang pagkahilig sa sex ay nakaapekto na sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa katunayan, natuklasan sa isang pag-aaral na 10% sa mga lalaki at 7% naman sa mga babae ang nagsabi na nakararanas ng sapat na lebel ng stress at dysfunction dahil sa kanilang pag-iisip sa sex o ‘di kaya’y pagnanais nito.

Sa isanagawang national survey sa mahigit sa 2,000 adults, 8% sa mga ito ay naiulat na nakararanas ng mga sintomas ng compulsive sexual behavior disorder – kakulangan ng kakayahang kontrolin ang kanilang libog na nagdudulot ng stress at takot sa pakikipagsalamuha sa iba.

Sa kabila ng lumalaking bilang ng mga taong umaamin na dumaranas ng adiksyon sa sex, maraming tao pa rin ang naniniwala na ang mga nagsasabi mayroong psychological problem dahil sa hindi mapigilang libog ay gumagawa lang ng dahilan.

“I am not sure when being a selfish, misogynistic jerk became a medical disorder,” ayon kay David J. Ley, isang clinical psychologist sa Albuquerque, New Mexico, at awtor ng “The Myth of Sex Addiction”, sa NBC Newsnoong  2017.

“This is a concept that has been used to explain selfish, powerful, wealthy men engaging in irresponsible impulsive sexual behavior for a long time,” ayon kay Ley./Remate News Team