10% ng overseas voters nakaboto na – Comelec

10% ng overseas voters nakaboto na – Comelec

April 29, 2022 @ 1:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 10 porsiyento ng mga rehistradong botante sa ibang bansa o 170,000 na botante ang nakaboto na sa ngayon, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) sa isang press briefing noong Huwebes, Abril 28.

“A total of 175,266 as of today… So as of now nasa 10 percent na tayo ng out total population or total registered voters. 175,266 is more or less more than 10 percent,” ani poll Commissioner Marlon S. Casquejo, na pinatutungkulan ang overseas voters.

“This update concerns our overseas voting as of now but this is not accurate because some of the posts did not submit the number of overseas voters who submitted their mail-in ballots,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Comelec commissioner na may kabuuang 76,745 na ang bumoto sa Asia Pacific.

“Ang ilan sa mga ito ay postal na ang mga balota ay natanggap ng aming mga post,” dagdag niya.

Sinabi ni Casquejo na 13,462 overseas voters ang bumoto sa Europe, habang 83,450 Filipinos ang bumoto na sa Middle East at Africa.

“Sa Americas, mayroon tayong 1,809. Dito sa Americas hindi po lahat ng nag-submit ng data so this is not accurate,” giit p niya.

Binigyang-diin niya na hindi tumpak ang naturang datos dahil ilan sa mga post ay hindi pa naisumite.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10751, ang “Posts” ay tumutukoy sa pinaikling Foreign Service Posts, na tumutukoy sa mga embahada, konsulado, foreign service establishments, at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na nagpapanatili ng mga opisina sa ibang bansa tulad ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na mayroong hurisdiksyon sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga botante sa ibang bansa. RNT