10 opisyal sa Bacolod na galing Japan, sapul sa COVID

10 opisyal sa Bacolod na galing Japan, sapul sa COVID

November 11, 2022 @ 5:37 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 si Bacolod Rep. Greg Gasataya at siyam na iba pa kabilang ang ilang konsehal na sumama kay Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez sa byahe nitong patungong Japan noong nakaraang linggo.

Matatandaan na nauna nang ibinalita na nagpositibo ang alkalde sa sakit pagkauwi nito ng Pilipinas nitong Lunes, Nobyembre 7 na makikipagpulong pa sana kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Gasataya at mga kasamahang konsehal, kapitan ng mga barangay at mga kaalyado sa Team Asenso Bacolod na nakasama nito sa byahe ay agad na nag-isolate at nang magpasuri nga ay nalaman na 10 sa mga ito ang tinamaan ng COVID.

Dahil dito ay sa pamamagitan na lamang muna ng online platform at zoom dumalo ang mga konsehal maging si Gasataya. RNT/JGC