10 pagyanig naitala sa Bulkang Kanlaon

10 pagyanig naitala sa Bulkang Kanlaon

October 11, 2022 @ 7:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng sampung (10) volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.

Sinabi pa ng Phivolcs na bukod sa pagyanig namataan din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan.

Kaugnay nito nabatid pa sa ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Samantala sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit din ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang uri ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan na nasa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. Santi Celario