10 Pampanga cops tatalupan sa ‘hulidap’ sa sabungan

10 Pampanga cops tatalupan sa ‘hulidap’ sa sabungan

March 24, 2022 @ 9:32 AM 3 months ago


PAMPANGA — Inirekomenda ng Pampanga police nitong Miyerkules (Marso 23) ang pagsasampa ng reklamo para sa umano’y pagnanakaw ng 10 pulis na umano’y sumalakay sa isang sabungan sa Bacolor noong Marso 19.

Ang 10 pulis, na miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU), ay nagkasa ng tinatawag nilang raid dakong 10:30 ng umaga sa isang pribadong tirahan sa Barangay Duat.

“Based on the statements of the complainants, 10 male persons arrived at the place of the incident who allegedly accosted them for ‘tupada’ and during the arrest, the members of PIU divested the victims of their money and other valuables.,” saad sa ulat na inilabas ng pulisya.

“After which, the police operatives released the complainants without their cash money amounting to more or less P379,700 and valuables with a still undetermined cost and immediately fled from the place of the incident onboard their vehicles,” dagdag pa rito.

Ang mga suspek, edad 25 hanggang 37 at may ranggong karamihan ay corporal, ay nakakulong sa provincial police camp dito para sa kalaunan ay ilipat sa regional headquarters sa Camp Olivas, ayon kay Col. Robin Sarmiento, hepe ng provincial police.

Kinumpirma ng mga suspek ang operasyon sa Bacolor ngunit itinanggi ang pagnanakaw ng pera at mahahalagang gamit sa 10 complainant. RNT