10 pang Pinoy abroad sapul ng COVID

10 pang Pinoy abroad sapul ng COVID

July 13, 2021 @ 6:54 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang sampu pang Filipino sa ibang bansa, batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil dito, umakyat na sa 20,943 ang kabuuang kaso ng sakit sa mga Pinoy sa abroad.

Wala namang naitalang gumaling kaya’t nananatili sa 12,354 ang bilang nito gayundin sa mga nasawi na nasa 1,245.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 7,344 Filipino sa ibang bansa.

Pinakamaraming aktibong kaso sa Middle East/Africa naman may 4,567 na sinundan ng Asia-Pacific region na may 1,735 habang 940 naman sa Europa at 102 sa Amerika. RNT/ELM