10 parak nakasuhan na ng homicide sa Laguna ops

10 parak nakasuhan na ng homicide sa Laguna ops

July 7, 2021 @ 1:31 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakasuhan na ng homicide ang 10 pulis na nakiisa sa anti-illegal drugs operation sa Laguna noong nakaraang buwan kung saan dalawang tulak umano ang nasawi kasama na ang isang menor de edad.

Isinampa na ang reklamo sa City Prosecutor’s Office laban sa 10 kasama na ang head ng Laguna PPO Intelligence Branch na si PCapt Fernando Credo.

Naunang napagdesisyunan ng kaanak na huwag na magsampa ng kaso sapagkat aminado silang isang notorious drug pusher sa Biñan City ang suspek.

Sa panig ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar , ang pagsasampa ng homicide sa mga sangkot na pulis ay patunay na hindi isinasantabi ng PNP ang mga iregularidad ng kanilang tauhan.

“I trust the wisdom of both the PRO4A Fact-Finding Team in its decision to file a criminal case and the IAS (Internal Affairs Service) in recommending the filing of administrative cases against the policemen who took part in the operation,” lahad ni Eleazar.

“This is proof that the PNP will not shield its personnel. If there are allegations ten we will investigate and would even file cases if needed. I have repeatedly said that I will not tolerate police abuse in the organization.”

“For now, Let us allow the City Prosecutor to appreciate the submitted evidence and facts of the incident,” dagdag pa nito. RNT/FGDC