Drug den operator, 2 durugista timbog sa buy-bust

May 23, 2022 @5:24 PM
Views:
0
ZAMBALES – Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operator ng isang drug den kabilang na ang tatlong durugista matapos na kumagat sa buy-bust operation sa bayan ng Subic.
Sa ulat ng PDEA Subic Provincial Office na si Brian Baban kay Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip ay nakilala na s sina Edsil Salvo alyas Jun Mata, walang asawa, 56 anyos, na siyang drug den maintainer, Edgar Gallardo, 44, Roel Tabajo, 30 at Cristalen Bestudio, 27.
Isang ahente ng PDEA ang bumili.ng shabu at nang magka-abutan ay dito na dinakip ang mga suspek
Nakumpiska sa apat ang limang (5) transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo na nagkakahalaga ng Php 103,500, sari-saring paraphernalia at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap kasaong pagpabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz
DILG: “No CCTV, No Business permit” policy ipatupad ng LGUs

May 23, 2022 @5:20 PM
Views:
7
MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGUs) sa bansa na magpasa ng mga ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng “No CCTV, no business permit” policy.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, Chairperson ng National Peace and Order Council, ngayong bumabalik na ang mga mamamayan sa kanilang pre-pandemic ways, dapat na maging prayoridad ng mga LGU ang kaligtasan ng publiko.
Magiging malaking tulong aniya sa pagtiyak ng public safety, kung gagawing requirement ng mga lungsod at munisipalidad ang paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) systems, sa pagkuha ng business permits ng mga establisimyento na mayroong malaking bilang ng mga kostumer, at yaong mga risk o hazard-prone.
“CCTVs are applicable technologies that should be utilized to keep criminal activities and their perpetrators at bay. Ngayon ang tamang panahon para i-require ang mga negosyo na mag-install ng CCTV. People are going out of their homes and in various establishments nowadays due to lower COVID-19 cases and a CCTV system is a powerful tool that can aid LGUs in ensuring public safety, deterring crimes, and identifying and apprehending culprits,” saad ni Año.
“Kailangang pangunahan ito ng LGU partikular ng kanilang Sanggunian sapagkat malaki ang ambag nito [CCTVs] sa laban natin kontra kriminalidad,” dagdag pa ng kalihim
Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, sinabi ni Año na kabilang sa mga establisimyento na dapat na mayroong CCTVs ay yaong mga financial establishments gaya ng mga bangko, pawnshops, money lenders, at money remittance services at mga kahalintulad nito; mga business establishments na maraming sangay; shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets; at, medical facilities, klinika at laboratory.
Kasama rin ang mga lugar na entertainment gaya ng mga theaters, movie houses, perya, internet cafes, arcades at iba pang lugar na nakahihikayat ng maraming kostumer; airports, public transportation terminals, parking lots at mga kahalintulad na establisimyento na pinupuntahan ng maraming sasakyan, gaya ng car dealerships, gasoline stations, vehicle maintenance/service stations; at iba pang kahalintulad na establisimyento na maaaring mangailangan ng CCTV cameras.
Malaki aniya ang tulong ang mga CCTV footages sa pagresolba sa mga krimen, na napatunayan ito noong mga nakalipas na panahon. Jan Sinocruz
Gasolina may P3.95 na taas-presyo bukas; Diesel, kerosene may tapyas!

May 23, 2022 @5:08 PM
Views:
11
MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na kani-kanilang bawas-presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso, magpapatupad ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ng dagdag na P3.95 sa kada litro ng gasoline habang magtatapyas sila ng P2.30 sa diesel at P2.45 sa kerosene.
Parehong price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc.
Epektibo ang dagdag-bawas sa krudo alas-6:00 ng umaga bukas, Mayo 24 maliban sa Caltex na mas maagang magpapatupad ng price adjustment ng hatinggabi at ang Cleanfuel na alas-8:01 naman ng umaga.
Ito na ang ika-anim na linggong nagpatupad ng rollback sa krudo ngayong 2022. RNT/ JCM
NEDA chief ni PNoy ibabalik ni BBM sa cabinet post

May 23, 2022 @4:48 PM
Views:
17
MANILA, Philippines – Kinumpirma mismo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inalok niya si dating Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na pamunuan muli ang National Economic Development Authority (NEDA).
“I have also tapped an old friend who’s also formerly in this position, Arse Balisacan, who is our former NEDA and I’ve asked him to return to NEDA,” saad ni Marcos sa press conference sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.
“I’ve worked with him extensively at the time when I was governor, we have very similar thinking in that regard kaya’t malakas ang loob ko, I know he’s very competent, I know his policies are policies that will be for the betterment of our country,” dagdag niya.
“For employment, for the development of our economy, nag-usap kami ng ilang oras at mukha namang tumutugma ang aming pag-iisip patungkol sa approach natin dito sa darating na mga taon when it comes to economic managers…” aniya pa.
Nabatid na nagsilbing NEDA chief si Balisacan sa ilalim ng administrasyon ni late President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Samantala, binanggit din ni Marcos sa press conference na nais niyang pamunuan muli ni Bienvenido Laguesma ang Department of Labor and Employment (DOLE) habang si OFW advocate Susan “Toots” Ople bilang kalihim ng bagong Department of Migrant Workers (DMW).
Una nang sinabi ni Marcos na si presumptive Vice President Sara Duterte ang magsisilbing kalihim ng Department of Education habang si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap na rin ng tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez ang alok na maging cabinet secretary gayundin si Cavite 7th District Rep. Boying Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). RNT/ JCM
Dalaga dinonselya ng katomang teacher

May 23, 2022 @4:30 PM
Views:
47