10 patay sa bagyo na nanalasa sa SoKor!

10 patay sa bagyo na nanalasa sa SoKor!

September 7, 2022 @ 2:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa Typhoon Hinnamnor na tumama sa South Korea, ayon sa mga awtoridad nitong Miyerkules, matapos manalasa ng kalamidad sa southern coast na na nagdulot ng malalaking alon at malakas na ulan nitong Linggo.

Ang bagyo, na isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa sa loob ing ilang dekada, ay nagpabaha sa mga daan at gusali sa bansa.

Sa southeastern port city naman ng Pohang– isa sa mga pinakanasapul na lugar– pitong bangkay at dalawang survivor ang naiahon sa ilalim ng parking lot ng isang apartment complex, ayon sa Central Disaster and Safety Countermeasures Headquarters.

Siyam ang na-trap sa sa parking lot, ayon sa local media.

Patuloy naman ang search and rescue operations, at ayon sa mga awtoridad ay dalawa pa ang pinaghahanap.

Mahigit 4,700 indibidwal ang innilakas habang 12,000 tahanan at mga gusali naman ang napinsala ng bagyo.

Halos 90,000 ang nawalan ng kuryente sa bansa, subalit agad na naibalik ito sa malaking bahagi ng bansa nitong Miyerkules ng umaga, base sa mga awtoridad. RNT/SA