10 patay sa pamamaril sa LA sa Lunar New Year festivities

10 patay sa pamamaril sa LA sa Lunar New Year festivities

January 23, 2023 @ 8:24 AM 2 weeks ago


MONTEREY PARK, California – Patay ang 10 indibidwal habang hindi bababa sa 10 pa ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa ballroom dance hall nitong Chinese Lunar New Year celebration, Sabado, malapit sa Los Angeles.

Pinaghahanap pa rin ang shooter, 12 oras makalipas umates sa Monterey Park, at pinaniniwalaang, isang Asyano, 30 at 50 taon batay sa paglalarawan ng mga saksi, ayon sa mga awtoridad.

“We need to get this person off the street as soon as possible,” giiit ni Los Angeles County Sheriff Robert Luna nitong Linggo ng umaga.

Nauna nang sinabi ng sheriff’s department nahindi ito sigurado kung racially motivated ang pag-atake. Lima sa mga biktima ang lalaki at lima rin ang babae, ayon kay Luna. Hindi naman isinapubliko ang kanilang pagkakakilanlan.

Kalaunan ay inilabas ni Luna ang mga imahe ng suspek na kuha umano sa surveillance camera footage kung saan makikitang naka-salamin siya, nakasuot ng dark jacket at dark beanie hat na may puting white.

Naganap ang pamamaril lampas alas-10 ng gabi PST (0600 GMT nitong Linggo) sa nasabing lokasyon sa two-day Chinese Lunar New Year celebration kung saan maraming downtown streets ang sinarhan para sa kasiyahan na dinudumog ng libong tao mula sa Southern California. RNT/SA