10 Pinoy sa Shanghai, China positibo sa COVID-19

10 Pinoy sa Shanghai, China positibo sa COVID-19

April 20, 2022 @ 6:17 PM 2 months ago


SHANGHAI, China – Hindi bababa sa 10 Pilipino ang naka-quarantine ngayon matapos na magpositibo sa COVID-19.

Nabatid na kasalukuyang naka-lockdown ang Shanghai dahil sa COVID surge.

Ayon kay Philippine Consul General in Shanghai Josel Ignacio, direkta silang nakikipag-ugnayan sa sampung Pinoy roon para sa pagbibigay ng tulong.

“We regret that right now we have 10 of our nationals [who] have been taken to quarantine, who have tested positive. They have reached out to us and we are taking care after and looking after them one on one,” ani Ignacio sa isang interbyu sa ANC.

“We are in direct communication, they tell us what they need. We try to elevate that to the authorities in different ways depending upon their needs,” dagdag niya.

Ayon kay Ignacio, humiling na sila ng food vouchers na maaaring magamit ng mga COVID-positive Filipinos sa pagbili ng kanilang pagkain online.

Ito ay sa harap na rin ng nangyayaring panic-buying sa Shanghai dahil na rin sa pinaiiral na limitasyon sa galaw ng mga tao roon.

“Having into the lockdown we saw some episodes of some panic-buying and supply lines became so tight. The recommendation we felt to address the common challenges would be in terms of providing some food security for our nationals,” saad ni Ignacio.

Samantala, sinuspinde na rin ng Commission on Elections (Comelec) absentee voting sa Shanghai.

“We have about 1,600 registrants but because of the situation we were compelled to ask Comelec for direction. And the Comelec issued a resolution for temporarily suspending it because there is no really way,” ani Philippine Consul General. RNT/ JCM