10-point agenda inilatag ng DND Chief

10-point agenda inilatag ng DND Chief

July 18, 2022 @ 3:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines-Sinabi ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr. na gagawin niya ang makakaya upang tiyakin ang proteksyon ng territorial integrity at soberanya ng bansa.

Nangunguna ang mga ito sa 10-point agenda ni Faustino na naglalayon na isunod ang mga polisya ng departamento sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas malakas at mas pinainam na Pilipinas sa aspetong national unity, nation-building, at economic recovery.

Sinabi ni Faustino nitong Lunes na palalakasin ng  DND shall strengthen ang pagsisikap niton upang protektahan ang teritoryo ng Pilipinas alinsunod sa 2016 Permanent Court of Arbitration decision sa South China Sea na pumabor sa Manila.

“Our President has declared on several occasions that our sovereignty is sacred and inviolable, and not a square inch of what is ours will be ceded to anyone,” aniya pa.

Sinabi rin ni Faustino na paiigtingin ang koordinasyon sa mga kaalyadong bansa upang maabot ito.

“We shall heighten our cooperation with state and non-state partners to improve domain awareness and maritime security, as well as pursue engagements in the international arena to advance our interests on defense and security,” aniya pa.

Gayundin, inihayag ng DND chief na ipagpapatuloy ng departamento ang whole-of-government at whole-of-nation approach upang siguruhin ang internal stability.

“The department shall actively support the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict),” giit pa niya.

Ani Faustino, sa pamamagitan lamang ng pagwawakas sa limang dekada ng communist-driven terrorism maaabot ng bansa ang paglago ng ekonomiya.

“In performing these functions, we will uphold and adhere to human rights principles, international law, and the rule of law,” pahayag ni Faustino.

“We shall pursue the department’s efforts in strengthening institutions for disaster resilience by supporting the creation of a Department of Disaster Resilience (DDR),” dagdag niya.

Mag-aambag din ang DND sa pagsisikap ng pamahalaan sa cybersecurity, pagsusulong ng mga panukala na tutugon sa nagsusulputang cyber threats.

Upang makamit ang kahandaan, binaggit ni Faustino na ipagpapatuloy ng DND na isulong ang Revised AFP Modernization Program (RAFPMP).

“The DND will request Congress for a Sunset Review of the RAFPMP, as required by RA (Republic Act) 10349, to allow our legislators to better appreciate the Program, apprise them of ways forward, and generate Congressional support for Horizon Three,” aniya pa.

Upang matiyak ang pagsisikap ng organisasyon na tugunan ang iba’t ibang defense at security challenges, isusulong ng DND ang international defense at security engagementsalinsunod sa direktiba ng Pangulo, foreign policy ng bansa at ilang policy instruments.

Isusulong din ng DND ang pagpapalakas sa Reserve Force bilang force multipliers in sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad.

Bilang pagkilala rin sa papel ng kabataan sa pagbuo sa bansa, magbibigay ang DND wng mga rekomendasyon sa muling pagbuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa kurikulum.

“The DND will ensure that strict accountability measures will be in place to prevent the repeat of unfortunate circumstances that led to the abolition of the ROTC Program many years ago,” sabi ni Faustino.

Kabilang din sa mga polisiyang inilatag ng DND chief ang pagtitiyak sa kapakanan ng mga sundalo, beterano at sibilyan; pagsusulong sa mahahalagang legal at legislative agendas na makatutulong sa kapayapaan at seguridad sa bansa.

Layunin ng 10-point agenda na makabuo ng “united DND that is not only formidable but can readily thrive under the direst of circumstances,” ayon kay Faustino.

“Let us bear in mind that the antidote to collective weakness and the malady of disunity is ‘unity — the wellspring of boundless possibility for the country,” apela niya. RNT/SA