10-Point Program ng Revolutionary Government pinagtibay

10-Point Program ng Revolutionary Government pinagtibay

September 27, 2020 @ 10:24 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinangunahan nina Mayor Rey San Pedro, Vice President for Luzon, MRRD-NECC; Konsehal Joseph Ponce ng Central Luzon Coalition for Revolutionary Government; Atty. Francisco Buan, National Spokesperson; Bobby Brillante, RevGov Committee Chairman; at Professor Punduma Sani, Vice Chairman for Military Affairs ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagpupulong ng People’s National Coalition (PNC) for Revolutionary Government and Charter Change na ginanap sa PUP Gymnasium sa Sto. Tomas, Batangas.

Sa nasabing assembly na pinangunahan ng Southern Luzon Solidarity ay pinagtibay ang 10-Point Program ng Revolutionary Government na tatagal ng 12 buwan upang isulong at ipatupad ang mga pagbabago.

Pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa Pederalismo, pagbabawal ng political dynasty at magkaka-mag-anak sa gobyerno, pagtigil ng korapsyon sa pamamagitan ng agarang pagdesisyon sa mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan.

Palalawakin ang Office of the Ombudsman at Sandiganbayan hanggang sa mga probinsya upang madedisyunan ang mga kaso sa loob ng anim (6) na buwan at mapakulong ang mga magnanakaw sa gobyerno, ito ang pahayag ni Bobby Brillante, National Deputy Spokesperson ng PNC. Cesar Morales


  •  
  •  
  •  

Loading...