10 presidentiables ‘present lahat’ sa Comelec debate sa Marso

10 presidentiables ‘present lahat’ sa Comelec debate sa Marso

February 24, 2022 @ 12:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Dadalo ang lahat ng 10 presidential candidates sa debateng pasisinayaan ng Commission on Elections sa Marso.

Kinumpirma ito mismo ni Comelec spokesperson James Jimenez, Huwebes, kung saan ang lahat ng kandidato ay nagkumpirma na sa kanilang pakikilahok.

Kabilang sa mga kandidato sa pagkapangulo ay sina dating presidential spokesman Ernesto Abella, Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, dating Defense chief Norberto Gonzales, Senator Ping Lacson, Faisal Mangondato, dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Jose Montemayor Jr., Senator Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Jimenez na hindi bibigyan ng mga ‘advance question’ ang mga kandidato at hindi rin sila papayagan na magdala ng kahit anong bagay sa podium sa kasagsagan ng debate.

Nakatakda ang debate sa Marso 17 mula 7 p.m. hanggang 9:30 p.m.

Wala pa namang itinalagang venue para rito, pero sigurado nang gagawin ito sa loob lang ng greater Manila area.

Kapag natuloy, ito na ang kauna-unahang debate kung saan present ang lahat ng mga presidentiable. RNT