10 presidential bets pasok sa opisyal na balota ng Halalan 2022

10 presidential bets pasok sa opisyal na balota ng Halalan 2022

January 19, 2022 @ 7:09 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pasok ang 10 Presidential candidates sa opiyal na balota para sa May 2022 national elections.

Kinilala ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga ito na sina:

  • Ernie Abella

  • Leody de Guzman

  • Isko Moreno Domagoso

  • Norberto Gonzales

  • Ping Lacson

  • Faisal Mangondato

  • Bongbong Marcos

  • Jose Montemayor

  • Manny Pacquiao, at

  • Leni Robredo.

Habang pasok naman ang siyam na kandidato sa bise presidente kabilang sina:

  • Lito Atienza

  • Walden Bello

  • Rizalito David

  • Sara Duterte

  • Manny Lopez

  • Willie Ong

  • Kiko Pangilinan

  • Carlos Serapio, at

  • Vicente Tito Sotto.

Sa isa pang interbyu, sinabi ni Jimenez na pasok din ang 64 na kandidato sa pagkasenador pero hindi niya na ito inisa-isa pa.

Noong nakaraang Lunes nang sinabi ni Comelec- Education and Information Department Director Elaiza David na sa mga susunod na araw ay mailalagay na sa website ng Comelec para sa overseas voting.

“The ballot face is already out and it will be uploaded to the Comelec website,” aniya.

“However, this ballot face is only for overseas voting and as you know in overseas voting they don’t vote for the local positions. So you are expected to see only the positions for the national level in that particular ballot face,” paglilinaw ni David. RNT