10 tiklo sa QC sa e-sabong

10 tiklo sa QC sa e-sabong

January 21, 2023 @ 10:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 10 indibidwal ang naaresto sa Quezon City dahil sa umano’y pagkakasangkot sa operasyon ng isang online cockfighting o e-sabong firm.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ang isang cockfighting pit na naiulat na nag-ooperate ng e-sabong games sa Novaliches.

Narekober mula sa lugar ang monitors, cameras, Wi-fi routers na umano’y ginagamit para sa illegal gambling.

“When we entered this place, there are already positive indications that they are going online. We have discovered gadgets which is evident of online sabong talaga. They are using internet. Why would they use internet kung hindi online yun?” ani NBI-NCR lawyer Ferdinand Manuel said.

“Makikita mo na dito. Yung traditional sabong does not employ these types of gadgets,” dagdag ni Manuel.

Mariin namang itinanggi ng manager ng cockfighting pit ang mga alegasyon.

“Yung camera po namin para lang po dito sa baba. Sa mga tao na hindi makakaakyat sa taas,” pahayag ni cockpit manager Rose Altamirano.

“Wala po kaming broadcast. Kahit putulin po internet namin, wala po kayong maaano samin… kahit po ituloy ang laban. Wala po yan,” patuloy niya.

Bukod dito, sinabi ng NBI na irerekomenda nito ang pagpapasara sa arena. RNT/SA