10 wanted na Chinese na nagtatago sa Pinas, huli

10 wanted na Chinese na nagtatago sa Pinas, huli

July 27, 2018 @ 2:10 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nakatakdang itapon pabalik ng kanilang bansa ang 10 Chinese fugitives na wanted sa kasong Cyber Fraud, Economic Crimes.

Ang mga ito ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa Metro Manila at Pampanga.

Sinabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na wanted lahat ang 10 Chinese nationals sa Beijing dahil sa serious offenses, kabilang ang economic crimes, internet fraud at smuggling.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga dayuhan sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihinatay ang kanilang deportation.

Ayon naman kay BI Intelligence Officer Bobby Raquepo, hepe ng Bureau’s fugitive search unit (FSU), na kanselado na rin ang pasaporte ng mga Chinese national at maikokonsidera na silang undocumented alien at subject ng summary deportation.

Kinilala ang mga naarestong dayuhan na sina Li Tian Feng, Duan Tingting, Li Miao, Zou Wang, Zhang Hailong, Wang Liao, and Huang Zongyou, na pawang wanted sa China sa kasong economic crimes at cyber fraud.

Naaresto rin ang isang babaeng Chinese sa loob ng kanyang unit sa McKinley Hills, Taguig City na si Cai Miao Ling.

Habang si Wang Xiaobo na subject naman ng Interpol red notice matapos masangkot sa smuggling ay naaresto ng mga ahente ng FSU at airport anti-smuggling operatives.

Wanted naman sa kasong cyber fraud at economic crimes si Ji Jingxiu  na naaresto sa Friendship Highway sa  Angeles City, Pampanga.

“There will be no letup in the BI’s campaign to catch foreign fugitives so long as there are aliens who go to the Philippines to avoid arrest and punishment for crimes they committed in their homelands,” Morente said. “We are in close coordination with our foreign counterparts to ensure that justice will be served,” ani Morente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)