100 araw ni Sandoval sa Malabon

100 araw ni Sandoval sa Malabon

October 11, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


SABAY-SABAY na nilagdaan nina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, City
Administrator Alexander T. Rosete, Former Congressman Ricky Sandoval
at mula sa Department of Human Settlements and Urban Development
Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, at DHSUD Usec. Garry V. De Guzman
ang Memorandum of Understanding para sa Land Development and Housing
Project na isa sa mga proyekto ni Mayor Sandoval matapos ang kanyang
talumpati sa ika-100 araw nito na panunungkulan bilang alkalde ng
lungsod.

Bukod sa pabahay nakapamahagi na din ng 42 Certificates of Land
Allocation para sa mga aktibong kasapi ng Naglakar Homeowners
Association, 37 units ng pabahay sa St. Gregory Homes, Panghulo, may
1,300 pang housing units na ipamamahagi sa susunod pang mga araw para
sa informal settlers families naninirahan sa daluyan ng tubig.

May 868 din na bagong rehistrong PWDs kung saan 76 na ang nakatanggap
ng assistive devices, 238 ang nabigyan ng trabaho sa mga Job Fairs ng
PESO na inilunsad noong buwan ng Agosto at Setyembre, 500 katao ang
natulungan sa ilalim ng TUPAD program, 599 indibidwal ang natulungan
sa kanilang pangangailangang medical, burial at financial, 1, 457 ang
natulungan sa mga anti-drug related activities at ang City Disaster
Risk Reduction and Management Office ay rumesponde sa 311 accidents.

Sa kalusugan, 154,250 patients ang napagsilbihan ng apat na Super
Health Centers sa Longos, Potrero, Tonsuya at Catmon, 6,577 na
indibidwal ang nabigyan ng medical services, 5, 591 naman ang
napagkalooban ng medical financial assistance na nagkakahalaga ng 7
milyon pesos at may 18 pasyente naman na natulungan sa kanilang major
surgical operations.

Katuwang din ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno at mga mamamayan,
nasimulan ang ilang environment and natural resources development
programs kasama ang Metro Manila Development Authority, nirenovate ang
Hulong Duhat Plaza, kung saan ay 3,625 na taga Malabon ang nakisali sa
clean up drives at clearing operations.

Sa housekeeping ng City Hall, naipagawa ang mga sirang elevators,
aircons, working stations kasama ang palagiang paglilinis sa
pagpapanatili ng kaayusan ng City Hall. JOJO RABULAN