100 bangkang-Tsina balik-Julian Felipe reef; Pinas nagprotesta!

100 bangkang-Tsina balik-Julian Felipe reef; Pinas nagprotesta!

June 10, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling naghain ang Pilipinas ng protesta laban sa China dahil matapos ang isang taon ay muling nagbalikan ang mahigit sa 100 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Sa pahayag Department of Foreign Affairs (DFA) namataan ang mga chinese vessels na ilegal na pumasok at nag-operate nitong Abril sa Julian Felipe Reef.

Ang Julian Felipe Reef ay bahagi ng Kalayaan Group of Island na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ng DFA na ang walang pahintulot na pananatili ng mga naturang barko sa Julian Felipe Reef ay “lilikha lamang ng hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.”

“The persistent swarming of Chinese vessels is contrary to international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the final and binding 2016 Arbitral Award. It is also a violation of China’s commitments under the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, in particular, the exercise of self-restraint pursuant to Paragraph 5 thereof,” ayon sa DFA.

“The Philippines regrets this Chinese violation of international law days after the successful 08 April 2022 telesummit between President Rodrigo R. Duterte and Chinese President Xi Jinping where the two leaders reaffirmed their commitment to solve issues of mutual concern through peaceful dialogue, and exercise restraint in any and all endeavors relating to the South China Sea,” dagdag na pahayag nito.

Kaya ang panawagan ng Pilipinas sa China ay sumunod sa kanilang obligasyon alinsunod na rin sa international law at itigil na rin ang hindi katanggap-tanggap na aksyon nito upang maiwasan ang maritime conflict.

Bukod dito, umapela rin ang DFA sa China na paalisin na ang mga barko nito sa lugar upang hindi na lumala ang sitwasyon.

Matatandaang, napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jinping na ayusin ang anumang problema sa South China Sea sa pamamagitan ng mapayapang dayalogo. Kris Jose